Isagani at Paulita Gomez
Minsang sinabi ni Isagani kay Paulita Gomez ang mga katagang: Bago kita nakilala, ang dagat na iyon ay ang aking daigdig, ang aking kahiwagaan, ang aking pag-ibig ang aking mga pangarap. Ngunit nakita kita, inibig kita. At sa mga bakasyon iyon, ay naramdaman ko na tila may kulang. Ang gubat ay malungkot. Ang ilog ay mapanglaw. Ikaw ang kulang...